Linggo, Agosto 17, 2014

"ANG MISA AY ISANG SAKRIPISYO"


Marahil marami ang nagtatanong saten, anu ba ang banal na misa? paano ba ito naging sakripisyo? tunay nga ba itong sakripisyo? Ito ay ilan lamang sa mga katanungan ng mga taong hindi alam kung ano ba ang tunay na kahulugan ng Misa, mapa Katoliko ka man o hindi, marahil isa sa mga ito ang iyong tatanungin.

Kadalasan nting makikita ang tinapay at alak sa tuwing tayo ay magmimisa, ito ay ang nagsisilbing alay ntin sa panginoon para purihin sya at sabihing 'oh panginoon ko patawarin mo ako sa aking pagkakasala'. sa aklat ng Genesis makikita natin na noong simula palang ay isang sakripisyo na ang banal na misa Gen. 14:18 "Dinalhan siya ni Melquisedec, hari ng Salem at pari ng Kataas-taasang Diyos, ng tinapay at alak," makikita ntin dito sa talatang ito na si Melquisedec, isang pari, ay kumuha ng alak at tinapay upang ibigay at gawing sakripisyo para sa Panginoon. Kung ating iisipin ang Misa ay isang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus para tayo ay maligtas sa kasalanan. Sa Banal na Sakripisyo ng Misa rin natin maalala na si Hesus ay naipako sa Krus para tayo ay matubos nya sa pagkakasala. Sa Misa, dito natin iniaalay ang laman at dugo ni Hesus upang tayo ay mapatawad sa ating pagkakasala. Paano ba ntin nalaman na ang tinapay at alak na iniaalay sa misa ay ang siyang laman at dugo ni Hesus? Juan 6:35 "Sinabi ni Jesus sa kanila: Ako ang tinapay ng buhay...." 1 Pedro 1:18-19 "Nalalaman ninyong tinubos kayo mula sa walang kabuluhang paraan ng pamumuhay na minana ninyo sa inyong mga ninuno. Ang ipinangtubos sa inyo ay hindi nasisirang mga bagay na gaya ng pilak at ginto. Subalit ang ipinangtubos sa inyo ay ang mahalagang DUGO NI CRISTO. Siya ay tulad ng isang korderong walang kapintasan at walang dungis."

Ang mga Hudyo nmn dati ay may kanikanyang paraan ng Misa o Sakripisyo na alay sa Panginoon. Mga Bilang 6:15 "Bukod dito, maghahandog siya ng isang basket na tinapay na walang pampaalsa at hinaluan ng langis, at manipis na tinapay na wala ring pampaalsa at may pahid na langis. Magdadala rin siya ng mga handog na pagkaing butil at inumin."

Mga Bilang 6:14 "at maghahandog ng tatlong tupa: isang lalaking tupa na isang taong gulang at walang kapintasan bilang handog na susunugin; isang babaing tupa na isa ring taong gulang at walang kapintasan bilang handog para sa kapatawaran ng kasalanan; at isang barakong tupa na walang kapintasan bilang handog na pangkapayapaan." Makikita rin natin sa lumang tipan na ang tupa ay isa sa ginagawang alay ng mga hudyo upang sila ay mapatawad sakanilang pagkakasala. sa Bagong tipan naman, inihalintulad si Hesus sa isang tupa o kordero. Sa banal na misa ang iniaalay ay ang dugo at laman ni Kristo, at si Kristo ang kordero, na nung sinaunang panahon, ginagamit ang tupa o kordero upang pantubos ng kanilang mga kasalanan. Juan 1:29 "Kinabukasan nang makita ni Juan si Jesus na papalapit sa kaniya, sinabi niya: Narito, ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sangkatauhan." 1 Pedro 1:19 " Subalit ang ipinangtubos sa inyo ay ang mahalagang dugo ni Cristo. Siya ay tulad ng isang korderong walang kapintasan at walang dungis."

Tunay ngang masasabi ntin na ang banal na Misa ay isang Sakripisyo. Sa banal na Misa ang dugo at katawan ni Kristo ang ating iniaalay sa panginoon upang tayo ay matubos sa pagkakasala natin, dahil ang Dugo ni Kristo ang ipinantubos nya sa ating mga kasalanan. Si Kristo ay isang Tupa na alay sa Diyos na walang bahid ng kapintasan o kadungisan. Maaring hindi ntin maintindihan ang tunay na kahulugan ng Banal na Misa, pero hindi pa huli ang lahat. Wag nting ipagwalang bahala ang Banal na Misa, dahil ang Misang ito ay isang Sakripisyo upang matubos tayo sa ating pagkakasala. Dapat lang nating buksan ang ating puso at isipan, upang ating maramdaman ang kaligtasan na handog ng Kordero ng Diyos.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento