Sabado, Agosto 23, 2014

Bakit Latin?

Dahil ito ang WIKA NG SIMBAHANG KATOLIKA...Oo, hindi mu maintindihan ang Latin..Pero bilang isang Katoliko, nararapat lamang na ito ay iyong yakapin gaya ng pagyakap mu sa Diyos sa tuwing may problema ka...Hindi mo masasabi na mahal mo ang Diyos kung hindi mu kayang mahalin at yakapin ang wika ng Simbahan na kanyang itinatag..Hindi mo masasabi na ikaw ay mabuti at tapat na katoliko kung hindi mu kayang maging tapat sa simbahang Katolika...Hindi mo masasabing ikaw ay tapat sa mga aral ng Simbahang Katolika kung hindi mu matangap ang wika ng simbahan...Magisip tayong mabuti mga kapatid kong katoliko...kung sinasabi ntng mahal ntn ang ating simbahan, nararapat dn lng na mahalin ntn ang Wika nito...wag ntng itapon at isantabi ang Wikang Latin...Oo maaring patay na ang wikang Latin ayon sa mga scholar ng Wika...pero ang wikang latin ay mananatiling buhay sa loob ng simbahan...mahalin ntn ang wika ng simbahan gaya ng pagmamahal ntn sa wikang Filipino...Tandaan ntn na kung wala ang wikang Latin ay mawawalan dn ng saysay ang ibang wika..tandaan ntn na kung wala ang Tradisyon ng Simbahang Katolika, ay wala rin ang kung anong meron tayo ngayon sa kasalukuyan...maari ngang wala na tayo sa COUNCIL OF TRENT...pero kung walang council of trent, Hindi magaganap ang Vatican II..hindi kinakailangang marunong kang magsalita ng Latin para masabi mong mahal mu ang simbahan, ang pinupunto ko lang dito ay kailangan ntn itong yakapin at wag sirain...hindi ka pinipilit ng Iglesia Katolika na magaral at magdasal sa Wikang Latin, ang sinasabi lng ng ating Simbahan ay dapat alagaan ntn ito at irecognize kung baga..ang nais ko lamang sabihin dito na, bilang kabataang nagmamahal sa Inang simbahan, dapat ntng siguraduhin na susunod tayo sa anu mang utos ang kanyang iutos...Mahalin ntn ang ating Wika, mahalin ntn ang Diyos, mahalin ntn ang Simbahang Katolika, at mahalin ntn ang WIKANG LATIN!

Linggo, Agosto 17, 2014

"ANG MISA AY ISANG SAKRIPISYO"


Marahil marami ang nagtatanong saten, anu ba ang banal na misa? paano ba ito naging sakripisyo? tunay nga ba itong sakripisyo? Ito ay ilan lamang sa mga katanungan ng mga taong hindi alam kung ano ba ang tunay na kahulugan ng Misa, mapa Katoliko ka man o hindi, marahil isa sa mga ito ang iyong tatanungin.

Kadalasan nting makikita ang tinapay at alak sa tuwing tayo ay magmimisa, ito ay ang nagsisilbing alay ntin sa panginoon para purihin sya at sabihing 'oh panginoon ko patawarin mo ako sa aking pagkakasala'. sa aklat ng Genesis makikita natin na noong simula palang ay isang sakripisyo na ang banal na misa Gen. 14:18 "Dinalhan siya ni Melquisedec, hari ng Salem at pari ng Kataas-taasang Diyos, ng tinapay at alak," makikita ntin dito sa talatang ito na si Melquisedec, isang pari, ay kumuha ng alak at tinapay upang ibigay at gawing sakripisyo para sa Panginoon. Kung ating iisipin ang Misa ay isang sakripisyo ng ating Panginoong Hesus para tayo ay maligtas sa kasalanan. Sa Banal na Sakripisyo ng Misa rin natin maalala na si Hesus ay naipako sa Krus para tayo ay matubos nya sa pagkakasala. Sa Misa, dito natin iniaalay ang laman at dugo ni Hesus upang tayo ay mapatawad sa ating pagkakasala. Paano ba ntin nalaman na ang tinapay at alak na iniaalay sa misa ay ang siyang laman at dugo ni Hesus? Juan 6:35 "Sinabi ni Jesus sa kanila: Ako ang tinapay ng buhay...." 1 Pedro 1:18-19 "Nalalaman ninyong tinubos kayo mula sa walang kabuluhang paraan ng pamumuhay na minana ninyo sa inyong mga ninuno. Ang ipinangtubos sa inyo ay hindi nasisirang mga bagay na gaya ng pilak at ginto. Subalit ang ipinangtubos sa inyo ay ang mahalagang DUGO NI CRISTO. Siya ay tulad ng isang korderong walang kapintasan at walang dungis."

Ang mga Hudyo nmn dati ay may kanikanyang paraan ng Misa o Sakripisyo na alay sa Panginoon. Mga Bilang 6:15 "Bukod dito, maghahandog siya ng isang basket na tinapay na walang pampaalsa at hinaluan ng langis, at manipis na tinapay na wala ring pampaalsa at may pahid na langis. Magdadala rin siya ng mga handog na pagkaing butil at inumin."

Mga Bilang 6:14 "at maghahandog ng tatlong tupa: isang lalaking tupa na isang taong gulang at walang kapintasan bilang handog na susunugin; isang babaing tupa na isa ring taong gulang at walang kapintasan bilang handog para sa kapatawaran ng kasalanan; at isang barakong tupa na walang kapintasan bilang handog na pangkapayapaan." Makikita rin natin sa lumang tipan na ang tupa ay isa sa ginagawang alay ng mga hudyo upang sila ay mapatawad sakanilang pagkakasala. sa Bagong tipan naman, inihalintulad si Hesus sa isang tupa o kordero. Sa banal na misa ang iniaalay ay ang dugo at laman ni Kristo, at si Kristo ang kordero, na nung sinaunang panahon, ginagamit ang tupa o kordero upang pantubos ng kanilang mga kasalanan. Juan 1:29 "Kinabukasan nang makita ni Juan si Jesus na papalapit sa kaniya, sinabi niya: Narito, ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sangkatauhan." 1 Pedro 1:19 " Subalit ang ipinangtubos sa inyo ay ang mahalagang dugo ni Cristo. Siya ay tulad ng isang korderong walang kapintasan at walang dungis."

Tunay ngang masasabi ntin na ang banal na Misa ay isang Sakripisyo. Sa banal na Misa ang dugo at katawan ni Kristo ang ating iniaalay sa panginoon upang tayo ay matubos sa pagkakasala natin, dahil ang Dugo ni Kristo ang ipinantubos nya sa ating mga kasalanan. Si Kristo ay isang Tupa na alay sa Diyos na walang bahid ng kapintasan o kadungisan. Maaring hindi ntin maintindihan ang tunay na kahulugan ng Banal na Misa, pero hindi pa huli ang lahat. Wag nting ipagwalang bahala ang Banal na Misa, dahil ang Misang ito ay isang Sakripisyo upang matubos tayo sa ating pagkakasala. Dapat lang nating buksan ang ating puso at isipan, upang ating maramdaman ang kaligtasan na handog ng Kordero ng Diyos.

SOLA FIDE! (Faith Alone)



Isa sa pinakakilalang Doktrina ng mga Protestante ay ang SOLA FIDE or Faith Alone Doctrine ng Protestantism...Naniniwala ang mga kapatid nating protestante na sila ay maliligtas gamit ang pananampalaya nila sa Diyos....Ang Iglesia Romana Katolika ay hndi naniniwala sa SOLA FIDE Doctrine ng Protestantismo, naniniwala ang Iglesia Katolika na hndi lamang sa pananampalataya maliligtas ang isang tao...bakit nga ba hindi naniniwala ang Iglesia Katolika sa SOLA FIDE? Talaga bang maliligtas tao sa paghuhukom basta tayo ay may pananampalataya sa Diyos..?

Roma 1:17 "Sapagkat ipinapakita ng Magandang Balita kung paano ginagawang matuwid ng Diyos ang isang tao; at ito ay sa pamamagitan ng pananampalataya buhat sa simula hanggang sa wakas. Tulad ng sinasabi sa Kasulatan, "Ang itinuring na matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya ay mabubuhay."....Ang Roma 1:17 ay isa sa mga sinasabing batayan kng bakit nasabi ni Martin Luther na maliligtas ang isang tao dahil sa kanyang pananampalataya laman (FAITH ALONE)...kung babasahin ntng maigi ang bersikulo na galing sa roma, maiisip ntng tama nga si Martin Luther sa sinabi nya na maliligtas tayo gamit lamang ang pananampalataya ntin...ayon sa talata sa Roma, buhat pa ng simula hangang sa wakas ang pananampalataya ay ginagamit upang mabago ang isang tao..ibig sabihin ginamit na ito ng Diyos simula pa nung una at sya parin nyang gagamitin sa wakas ng panahon...Kaya ang sinabi ni Martin Luther ay maliligtas ang tao dahil sa kanyang pananampalataya...sesegundahan pa ito ng talatang galing sa 2 Corinto 5:7 "Sapagkat namumuhay tayo batay sa pananampalataya sa Panginoon at hindi sa mga bagay na nakikita."...kung ating susumahin tama nga nmn si Martin Luther..kung ang pamumuhay pala ntin dito sa mundo ay sa pananampalataya lamang iaasa, di malayong maliligtas tayong lahat basta maniwala lang tayo at magkaroon ng panananmpalataya...Pero tama ba na sa pananampalataya lang tayo kaylangan kumapit upang maligtas..?

Ang Iglesia Romana Catholica Apostolica ay hindi naniniwala na ang isang tao ay maliligtas gamit ang kanyang pananampalataya lamang...Isang kalokohan ang doktrinang SOLA FIDE...Tignan nating maiigi, kung ang isang tao pala ay maliligtas gamit ang kanyang pananampalataya, ibg sabihin ba neto eh kahit anung gawin ng taong iyan kng may pananampalataya sya, ang taong yun ay Maliligtas...Ibig ba sabihin neto na pag ang isang tao ay may pananampalataya, kahit mang rape sya ng kahit sino basta sya ay may pananampalataya eh maliligtas sya..? Syempre Hindi!!!! Isang kalokohan lamang ang magsasabi nyan...aanhin mo ang pananampalataya mo sa Diyos kung ikaw mismo eh hindi gumagawa ng mabuti? Isang basura lamang ang pananampalataya mo kung hndi mo alam isabuhay ang pananampalataya mo... Santiago (James) 2:17 "Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa."...Malinaw ang sinasabi ni Santiago na ang isang pananampalatayang walang gawa ay isang patay na pananampalataya...Santiago 2:22 "Dito ay makikita mong magkalakip ang kanyang pananampalataya at mga gawa, at naging ganap ang kanyang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa."...ayun naman pala, nagiging ganap lang ang isang pananampalataya kung ito ay nakabase sa gawa..totoong maliligtas ang tao gamit ang pananampalataya, pero hindi natin pwdeng alisin ang gawa sa pananampalataya..Dahil ang Gawa at Pananampalataya ay hindi kaylan man pwdeng paghiwalayin...Santiago 2:24 "Diyan ninyo makikita na itinuturing na matuwid ang isang tao dahil sa kanyang mga gawa at di dahil sa kanyang pananampalataya lamang."...Hindi kaylan man huhusgahan ng Diyos ang Tao sa kanyang pananampalataya, kundi huhusgahan ito ng Diyos sa kanyang gawa....Santiago 1:26 " Patay ang katawang walang espiritu; gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kasamang gawa."...

Malinaw ang sinasabi ng banal na kasulatan tungkol sa SOLA FIDE...HINDI KAILAN MAN MALILIGTAS ANG ISANG TAO GAMIT ANG PANANAMPALATAYA NIYA...HINDI KAILAN MAN MAGIGING TAMA ANG DOKTRINA NG SOLA FIDE..Ayon sa Council of Trent "THIS TRUE CATHOLIC FAITH, OUTSIDE OF IT, THERE IS NO SALVATION"